MENU

Business Innovation Center para sa Baking and Pastry Production at Barista inilunsad


August 24, 2018

Pormal nang inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Women’s Center (TWC) ang itinayong Innovation Center (IC) for Baking & Pastry Production and Barista na magiging lugar para sa skills training at mga entrepreneurial activities ng mga trainees at graduates ng  Bread & Pastry Production NC ll at Barista NC ll.

Ang paglulunsad ng proyekto ay isinabay sa paglalagda ng isang memorandum of agreement (MOA) para sa partnership sa pagitan ng TESDA, PILMICO Foods Corporation(PFC) at  Aboitiz Foundation, Inc. (AFI) nitong Agosto 24, 2018 para sa pagpapatupad ng naturang  proyekto.

Si Director General/Secretary Guiling  “Gene” A. Mamondiong, ang lumagda sa panig ng TESDA ahensya, sa PFC, si Santanina Apolinario B. Castro, VP for Corporate ang Business Development at sa panig naman ng AFI ay si Maribeth L. Marasigan, First VP and  Chief Operating Officer.

Si  Tristan R. Aboitiz, Vice President at COO for Sales at Head of Risk & Commodity, ng PILMICO Food Corp., isa sa mga guest speaker ay nagbigay ng mensahe tungkol sa korporasyon.

Ang Innovation Center para sa Bread and Pastry Production NC ll ay pinangalanang “Wooden Spoon”, samantalang sa Barista NC ll naman ay pinangalanang “Café Juana”.

Ang “Wooden Spoon” (sandok) ay flagship brand ng PILMICO, ang pangunahing gamit sa  baking at  paraan din ito upang bigyan ng  kapangyarihan ang mga kababaihan sa pamamagitan ng kaalaman at kasanayan na natutunan sa  proper training, resources at oportunidad.

Ang buong halaga ng proyekto ay umaabot sa P7,746,799.00 na ginamit sa pagpapaayos ng gusali, pagbili ng mga tools, equipments, furniture, training laboratory at iba’t ibang suplay para sa coffee shop at baking production. Sa kabuuang halaga, P788,848 ang gagastusin ng TWC at ang natitirang halaga ay sa PFC at AFI.

Ang Innovation Center (IC) ay magiging lugar para sa makatotohanang pag-aaral ng  mga trainees sa Bread and Pastry Production NC ll at Barista NC ll kung saan aktuwal naipapagagawa ang itinuturong kasanayan sa loob ng center.  Ito ay magbibigay ng mga ‘real-life learning experience’ para sa mga trainees, lalo na’t sila’ ang mamahala  sa bakeshop  at coffee shop habang ang TWC at PILMICO ang siyang  magtuturo at  gagabay sa  mga estudyante.

Ito ay magsisilbing  “one-stop training center’ kung saan lahat ng mga mahahalagang pasilidad at kagamitan para sa baking  & pastry production (BPP) gaya ng  lecture rooms, kitchen laboratories at cafeteria at iba pang support services ay makikita sa iisang lugar na pagsasanayan ng  mga future entrepreneurs at may nakalaang  puwesto para sa anumang itayong negosyo, partikular may kinalaman sa industriya ng pagkain.

“The project will provide business opportunities to graduates through a supportive environment such as provision of facilities, mentoring and coaching, training, networking and seed capital financing that will help them establish their start-up business,” paliwanag ni Mamodiong kaugnay sa layunin ng proyekto.

Ang mga graduates ng programa ay inaasahang gagamitin ang kanilang natutunang skills sa pamamagitan nang pagpapatayo ng kanilang mga maliit na bakeries o negosyo  at kung magtagumpay ay lilikha sila ng trabaho para sa mga low-income o walang trabahong mga indibidwal.

Ang ilang graduates naman  na walang kapital para sa pagpapatayo ng negosyo ay  maaring kukuning empleyado sa IC.

Ang unang batch, lalo na ang mga walang kakayahang mamuhunan ay maaring bumuo ng grupo at magparehistro bilang kooperatiba at sila ang magpapatakbo at mag-o-operate ng negosyo sa loob ng IC sa loob ng mapagkakasunduang panahon.




Back to List