MENU

TESDA online program users umabot na sa 1.2 milyon


September 19, 2018

Meron ng mahigit sa 1.2 million users ang online program na iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa loob ng mahigit anim na taon.

Sa kasalukuyan, ang TESDA Online Program (TOP) ay may 1,223,857 registered users.   894,390 sa kanila ay naka-enroll sa iba’t ibang kurso at umaabot naman sa 441,052 sa kanila ang nakatapos sa online courses.

Ayon kay TESDA Director General/Secretary Guiling “Gene” Mamondiong ang TOP  ay inilunsad noong  May 2012 upang  lalong  mailapit  ang  technical education  sa mga mamayang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng  information and communication technologies.

"It aims to bring technical education one click away from students, out-of-school youth, unemployed adults and overseas Filipino workers," paliwanag ni   Mamondiong.

Nitong Agosto 2018, ang  TOP  ay nag-aalok ng  58 online courses mula sa iba’t ibang  industry sectors.  Sa mga ito, ang pinakasikat na mga kurso sa loob ng tatlong taon ay ang Basic Computer Operation (Intel Easy Steps), Web Development using HTML5 at CSS3, Preparing Cakes, Provide Housekeeping Services to Guests at STAR Online Training Program.

Sa “traditional face-to-face learning”, ang mga estudyante ay nire-require na personal na magtungo sa   Training Center para sa pagsasanay.  Aniya, bagama’t  libre ang pag-aaral sa TESDA, ang ibang gastusin tulad ng pamasahe at food allowances ay mangagaling mismo sa bulsa ng mga estudyante.  Subalit  sa pamamagitan ng TOP, malaki ang kabawasan sa nasabing gastusin sa pamamagitan ng mga pagkuha ng mga kurso online.

Sa pamamagitan ng mga online courses na libreng iniaalok ng TOP, ang mga estudyante ay  maaring makapag-enroll sa multiple classess.

Sa isinagawang pag-aaral ng Philippine Institute on Development Studies, lumabas na 56 percent sa mga respondents ang nagsabi na kaya sila nang-enroll sa TOP ay para sa skills upgrading and enhancement habang ang 18.8 percent ng respondents ang nagsabi na kaya sila nag-enrol sa TOP ay para sa paghahanap ng trabaho.

Nakita rin sa nasabing pag-aaral na ang TOP ay malaking pakinabang at naabot ang mga malalayong kustomer sa halos lahat ng lugar sa bansa, kabilang na rin ang mga estudyanteng hindi nakapagtapos ng high school.

Maliban dito, nakita rin sa datos ng Onsite Assessment, isang programa ng TESDA na nagbibigay ng competency assessment sa mga Filipino workers sa ilang piling bansa, na mataas ang certification rate (89.66 percent) sa mga overseas Filipino Workers (OFWs) na nag-aral ng TVET courses sa pamamagitan ng TOP.

"These results show beyond doubt the success of digitizing the delivery of TVET courses through the TOP, an effective alternative learning system for enhancing and acquiring new skills for employment and promotion - at your own pace, space and time - at no cost," dagdag ni Mamondiong.




Back to List