MENU

TESDA, YouthWorks PH magtutulungan sa pagsasanay sa mga kabataang walang trabaho


September 28, 2018

Magtutulungan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Philippine Business for Education (PBEd) sa pagpapatupad ng workforce development project YouthWorks PH para sa pagkakaloob ng skills training sa mga kabataan na hindi nag-aaral, walang trabaho o tinatawag na “not in education, employment or training” (NEET).

Ang PBEd, na siyang nagpapatupad ng five-year, P1.7-billion project sa pakikipagtulungan sa United States Agency for International Development (USAID), ay lumagda sa isang memorandum of understanding (MOU) kamakailan (Setyembre 3, 2018) sa pagitan ng TESDA para sa pagbuo ng work-based training programs para sa mga kabataang NEET.

Ang kasunduan ay nilagdaan nina TESDA Director General/Secretary Guiling ‘Gene’ A. Mamondiong at PBED Executive Director Lovelaine B. Basillote na naglalayon din na magtulungan sa pagbabago o pagpapaunlad sa mga napapanahong curriculum at Training Regulationis, at pagbuo ng industry immersion programs para sa mga trainers at iba pa.

“With this MOU, TESDA and PBEd will work hand-in-hand to update competency standards, curricula, and training regulations and create new ones.  PBEd will also help in providing industry technical experts in the process and assist in the industry immersion of TVET trainers,” sabi ni Sec. Mamondiong.

Pinakikilos ng YouthWorks PH ang mga pribadong sector para makipagkaisa sa mga technical vocational education and training (TVET) institutions upang gumawa ng mga training programs para sa mga kabataang NEET upang makakuha sila ng magandang trabaho pagkatapos.

“TESDA must ensure, more than ever before, to strengthen its ties with the industry so that that no one gets left behind in the fast-paced workplace,” dagdag ni Mamondiong.

Sa ilalim ng partnership, ang YouthWorks PH at TESDA ay magkakaisa sa pagbuo ng mga innovative models para sa work-based training sa larangan ng konstruksiyon, hospitality and tourism, agrikultura, manufacturing, enerhiya at banking and finance.

“This partnership with TESDA brings us one step closer in co-developing solutions that align education and training to national competitive needs to enable people to get the right jobs,” paliwanag ni Basillote.

Target ng YouthWorks PH na pahusayin ang kasanayan ng may 40,000 kabataang NEET sa National Capital Region (NCR), Iloilo, Cebu, Cagayan de Oro, Davao, Zamboanga at General Santos sa loob ng susunod na limang taon. Tututok ito sa anim na growth areas na kinilala din ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang “key employment generators at emerging industries” sa kani-kanilang regions: gaya ng agrikultura, banking and finance, konstruksiyon, hospitality and tourism, energy at manufacturing.

Ang PBEd ay isang non-profit, non-stock organization na itinatatag noong 2006 ng mga matataas na CEO sa Pilipinas bilang tugon sa panawagan upang pangalagaan ang napagkasunduan at panatilihin ang aksyon hinggil sa education policy reform.

Ang USAID ang namamahala sa mga U.S. foreign assistance program para sa pagkakaloob ng economic and humanitarian assistance sa mahigit 80 bansa sa buong mundo. 




Back to List