MENU

TESDA, target pataasin ang employment rate ng kanilang scholars


Posted: 12:09 PM  09/12/2010 

Target ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pataasin ang employment rate ng mga nagtatapos sa kanilang scholarship program.
   
Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni TESDA Director Joel Villanueva na itutuon nila ang training ng kanilang mga scholar sa mga trabahong may mataas na demand upang agad makahanap ang mga ito ng employer sa kanilang pagtatapos.
   
Inihayag ni Villanueva na batay sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE) at National Economic and Development Authority (NEDA), kabilang sa mga sektor na may mataas na employment demand ang creative industry, agri business, business process outsourcing, turismo, responsible mining, manufacturing at construction.

Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol
 




Back to List