MENU

Mga estudyante sa bansa, pinag-iingat ng TESDA


PINAYUHAN ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Joel Villanueva ang mga estudyanteng naka-enroll sa mga vocational schools buong bansa.

Ayon kay Villanueva, laganap kasi ngayon ang mga fly by night vocational schools kung saan nag-ooperate ang mga ito ng walang accreditation mula sa TESDA.

Kaya naman nagsasagawa ng ngayon ng mga surpise visit at compliance audit ang nasabing ahensya ng gobyerno para masawata ang mga iligal na eskwelahan sa bansa.

 

Kasabay nito ay umaasa si Sec. Villanueva sa mga Local Government Units na makikipagtulungan ang mga ito para malabanan ang naturang iligal na aktibidad.




Back to List